^

Metro

Walang TRO sa MRT, LRT fare hike – SC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pinigilan ng Korte Suprema ngayong Martes ang pagpapatupad ng taas pamasahe sa sa Transit (MRT) and Light Rail Transit (LRT).

Walang inilabas na temporary restraining order ang mataas na hukuman, ngunit pinasasagot nila ang mga opisyal na gobyerno sa pagkuwestiyon ng ilang grupo kung naaayon ba sa batas ang dagdag singil sa mga tren.

Kabilang sa mga respondents ay sina DOTC Secretary Emilio Abaya, MRT-3 officer-in-charge Renato San Jose, LRTA administrator Honorito Chaneco, MRT Corp. at Light Rail Manila Consortium.

Kaugnay na balita: TRO sa MRT, LRT fare kumpiyansang makukuha sa SC

"The Court required respondents to submit their comment to the petitions and the application for a temporary restraining order within a period of ten days from their receipt of notice," pahayag ni SC Spokesperson Theodore Te.

Ilan sa naghain ng petisyon upang suspendihin ang fare hike ay sina dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco, Bagong Alyansang Makabayan, United Filipino Consumers and Commuters Inc. at Bayan Muna party-list.

Nauna nang dinepensahan ng gobyerno ang pagtataas singil at sinabing para rin ito sa ikagaganda ng serbisyo ng mga tren.

Kaugnay na balita:  MRT, LRT critics pa-cute lang – PNoy

Sa pagtataas ng pamasahe ay binawasan ng gobyerno ang kanilang subsidiya na gagamitin naman sa ibang proyekto sa labas ng Metro Manila.

AUGUSTO SYJUCO

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BAYAN MUNA

HONORITO CHANECO

ILOILO REP

KAUGNAY

KORTE SUPREMA

LIGHT RAIL MANILA CONSORTIUM

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with