^

Metro

Lolo inambus sa harap ng apo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 63-anyos na technician makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang ang una ay sakay ng kanyang van kasama ang ihahatid na apo sa eskuwelahan kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District Station 3, ang biktima ay nakilalang­ si Reynaldo Gile, ng Nova 2 Subdivision, Brgy. San Bartolome sa lungsod.

Agad namang tumakas ang mga salarin na kapwa­ nakasuot ng helmet maka­raan ang isinagawang krimen­.

Nangyari ang insi­dente dakong alas-6:35 ng umaga­ sa may kahabaan ng nasa­bing highway kanto ng San Francisco St., Brgy. San Bartolome sa Nova­liches sa lungsod.

Ayon sa ulat, minama­neho ng biktima ang isang L-300 van (RJL-776), ka­sama ang 13-anyos na apo para ihatid ito sa eskuwela bago siya pumasok sa opi­sina nang biglang pagbabarilin ito ng mga suspect na sakay ng isang motorsiklo.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa katawan na agad na ikinamatay nito.

Narekober naman sa lugar ang anim na basyo ng kalibre 9mm na baril.

Masuwerte namang hindi­ nasugatan ang kasama nitong apo. Blangko naman ang asawa ng biktima sa motibo sa krimen lalo’t wala umano itong kaaway.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito, habang sisiyasatin din kung nahagip ng CCTV ang insidente.

vuukle comment

AYON

BLANGKO

BRGY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

REYNALDO GILE

SAN BARTOLOME

SAN FRANCISCO ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with