^

Metro

Brgy. kagawad itinumba sa Caloocan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kagawad ng barangay ang nasawi matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa tapat ng isang simbahan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay  ha­bang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan ang bik­timang si Joselito Cleopas, 45, ng Brgy. 166 at residente ng Kaybiga ng naturang lungsod.

Sa ulat na natanggap ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Caloocan City Police, alas-6:25 ng gabi, nasa tapat ng simbahan ng Sacred Heart sa Gen. Luis St., Kaybiga ng naturang lungsod ang biktima nang barilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay mabilis tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa naturang ospital.

Kinondena naman ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang ginawang pagpatay kay Cleopas, kung saan pinatutukan na nito kay Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng pulisya ng naturang lungsod para sa agarang pagdakip sa suspek.

Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan sa pagiging kagawad ng biktima ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BARTOLOME BUSTAMANTE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CALOOCAN CITY POLICE

JOSELITO CLEOPAS

KAYBIGA

LUIS ST.

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

SACRED HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with