Kelot dinos-por-dos ng 5 bagets
MANILA, Philippines - Utas ang isang 40- anyos na lalaki nang pagtulungang hatawin ng dos por dos ng limang kabataan sa isang binyagan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Agaw buhay nang mamataan sa riles sa Laguna Extension, Tondo ang biktimang si Gilbert Martinez, residente ng Laong-Nasa St., Tondo, Maynila na mabilis na isinugod sa pagamutan pero idineklara ring dead on arrival.
Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, nanggaling umano ang biktima sa pabinyag ng anak ng kaniyang pinsan nang matagpuan itong duguan dakong alas-7:16 ng gabi, kamakalawa.
Ayon sa ilang testigo limang kabataang lalaki ang kumuyog na may hawak na dos por dos at pumapalo sa biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
- Latest