^

Metro

Chinese national, sugatan sa ‘Ipit taxi gang’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang babaeng Chinese national makaraang pagsasaksakin ng mga hinihinalang miyembro ng “Ipit Taxi Gang’ na nambiktima sa kanya buhat sa isang mall sa Pasay City at ibiyahe siya hanggang Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center dahil sa mga tama ng saksak sa dibdib at hita ang biktimang si Zhao Leng Huz, 24, dalaga, at nanunuluyan sa Magallanes, Makati City.

Sa ulat ng pulisya, katatapos lang mag-shopping sa isang malaking mall sa Pasay ang biktima dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi at minalas na masakyan ang taxi na kina­lululanan ng holdaper na driver.

Nabatid na isang lalaki pa umano ang pumasok sa taxi at agad siyang piniringan. Habang tumatakbo ang sasak­yan, nilimas ng mga salarin ang mga gamit at pera ng biktima habang natuklasan rin ang ATM card ng biktima.

Tumanggi ang dayuhan na ibigay ang PIN ng kanyang ATM sanhi upang gulpihin siya, pagtutusukin ng patalim sa dibdib at saksakin sa hita. Nakakuha naman ng tiyempo ang biktima na makalabas ng sasakyan at makatakbo nang ihinto ng mga salarin ang kotse sa may C3 Road, Brgy. 28, Caloocan.

Nakahingi naman ng saklolo ang biktima sa mga residente ng naturang lugar at isinugod siya sa pagamutan habang naka­takas ang mga salarin.

Patuloy naman ang imbes­tigasyon ng pulisya sa insidente upang makilala ang mga salarin at sa pag-asang may nakaplaka sa taksi na gamit ng mga ito.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

IPIT TAXI GANG

MAKATI CITY

PASAY CITY

ZHAO LENG HUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with