^

Metro

Taga kabit ng jumper, itinumba sa Malabon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 42-an­yos na lalaki na pasimuno umano ng pagkakabit ng ili­gal na koneksiyon ng kur­yente makaraang barilin nang malapitan sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng tanghali sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Romel Alfante, alyas “Galis”, at residente ng Block 2 Kadima St., Letre, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nasa harapan ng kanyang bahay ang biktima dakong alas-12:30 ng hapon nang sumulpot ang hindi nakila­lang salarin at biglang pa­­putukan ng baril ang biktima sa ulo. Kaswal na tu­makas lamang palayo ang salarin makaraan ang pamamaril habang hindi na naisugod sa pagamutan ang biktima.

Sa imbestigasyon, lu­ma­­la­bas na dati na umanong may kasong kriminal ang biktima dahil sa pagkaka­bit ng jumper sa kanilang lugar.

Ipinapalagay rin na posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pamamaslang dahil sa kilalang sangkot rin sa pagtutulak ang biktima at ang ki­nakasama nito.

Narekober sa lugar ng krimen ang isang slug ng hindi pa mabatid na baril habang dinala ang bangkay sa Nate Funeral Homes.

vuukle comment

IPINAPALAGAY

KADIMA ST.

KASWAL

LETRE

MALABON CITY

NAKILALA

NATE FUNERAL HOMES

ROMEL ALFANTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with