^

Metro

P3-M ari-arian naabo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P3 milyon halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang bodega ng tiles at furniture  dahil sa paputok  kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa pagsisiyasat ni Senior Fire Officer 1 Segundino Comon ng Arson Investigation Division ng Makati City Fire Department, naganap ang insidente bandang alas-11 ng gabi sa #2246 Living and Style Building sa Don Chino Roces Avenue (dating Pasong Tamo) sa Barangay Bangkal.

Nabatid na biglang sumiklab ang likurang bahagi ng naturang gusali na may dalawang palapag at nagmula ang apoy sa bahagi ng canteen.

Ayon  sa nakatalagang security guard na si Renato Cornejas, may pumasok umanong  paputok sa naturang gusali na naging sanhi ng sunog.

Tumagal ng tatlong oras ang sunog bago ito naapula habang patuloy naman ang imbestigasyon. (Lordeth Bonilla)

 

ARSON INVESTIGATION DIVISION

BARANGAY BANGKAL

DON CHINO ROCES AVENUE

LIVING AND STYLE BUILDING

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY FIRE DEPARTMENT

PASONG TAMO

RENATO CORNEJAS

SEGUNDINO COMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with