^

Metro

Trader natagpuang todas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 55-anyos na negosyante ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Sta. Ana, Maynila, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Naging susi sa pagka­ka­diskubre ng bangkay ni Juan Crisologo ng #2768 Tupaz St., Sta. Ana, Maynila ang kanyang lending business na ATM, ang pagpapautang sa mga maglalagak ng prenda na automated teller machine card.

Hinihinalang may dalawang araw nang patay ang biktima dahil nangangamoy na ang bangkay nito bago natagpuan sa kanyang bahay.

Sa ulat ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, bisperas ng Bagong Taon nang madiskubre ang nakabulagtang bangkay ng biktima kung saan may natuyong nakakalat na dugo sa tapat ng ulo habang nakahubo’t-hubad ito sa loob ng kaniyang silid.

Ayon kay Bautista, dalawang babaeng may kinukuhang ATM cards ang pabalik-balik sa bahay ng biktima at dahil sa hindi sumasagot sa cellphone ang biktima ay kinulit ng mga ito ang katiwala ng biktima na si Bello Yasuello.

Kaagad naman kinatok at sinilip ni Yasuello ang biktima kung saan nakitang nakatihaya na walang saplot ang biktima.

Sinisilip ng pulisya ang naganap na foul play dahil ang pintuan umano ay walang double lock at nakatumba pa ang lamesa sa bahay nito na medyo malayo sa pinagbagsakan ng katawan ng biktima. (Ludy Bermudo)

BAGONG TAON

BELLO YASUELLO

BIKTIMA

JONATHAN BAUTISTA

JUAN CRISOLOGO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

TUPAZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with