^

Metro

7-anyos naputulan ng paa sa sunog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kama­tayan ang sinapit ng 7-anyos na totoy na sinasabing humiwalay ang kaliwang paa sa katawan na naganap na sunog  sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni SFO4 John Joseph Jaligue ng Manila Fire Bureau, kinilala ang biktima na si Andrei del Rosario ng #1927 Muñoz St. sa nasabing lugar.

“Yung batang namatay, natagpuan kaagad, pero mismong ang mga kamag-anak na ang nakakita. Dahil sa taranta binuhat nila ’yung bata at naiwan pa ’yung paa dun sa lugar na nasunog,” pahayag ni SFO4 Jalique.

Samantala, sugatan naman sina Jomar Sialo, 31; at Ryugi Tanaka, 22, kapwa tumulong sa pag-apula ng sunog.

Nagsimula ang sunog dakong alas-2 ng ma­daling-araw kung saan idineklarang fire-out bandang alas-3 ng madaling-araw.

Umabot sa 20 pamilya ang nasunugan na tumagal lamang ng ikatlong alarma.

Nabatid na ang ina ng bata ay overseas Filipino worker (OFW) sa Jordan. Hindi umano ito pinayagan ng amo na makauwi noong Pasko at Bagong Taon dahil may 5-buwan pa lamang itong namamasukan.

Mag-isa lamang ang bata na umakyat sa ika­lawang palapag ng bahay at nasa labas ang mga kaanak nito dahil sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

May nagsasabing ma­aaring isang firecracker na sinindihan ng bata ang sanhi ng sunog sa loob ng bahay nito na hindi napansin ng mga kaanak. (Ludy Bermudo­)

ANDREI

BAGONG TAON

DAHIL

JOHN JOSEPH JALIGUE

JOMAR SIALO

LUDY BERMUDO

MANILA FIRE BUREAU

RYUGI TANAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with