Sekyu tiklo sa indiscriminate firing
MANILA, Philippines – Nasampolan ang 32- anyos na security guard makaraang arestuhin ng pulisya dahil sa iligal na magpaputok ng baril sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Senior Supt. Rhoderick Armamento ang naarestong suspek na si Joeman Elamparo Falalimpa ng #92 Interior Sabino Compound, Brgy. Maysan.
Sa ulat ng pulisya, rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 sa may tapat ng King Hing Plastic sa may Buenaventura St., Brgy. Dalandanan, dakong ala-1:30 ng madaling-araw matapos magreklamo ang isang residente sa ginawang pagpapaputok ng baril ng suspek.
Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga pulis at kumpiskahin ang cal. 38 revolver na gamit nito na may dalawa pang live na bala at nakarehistro sa PRC Security Agency.
Narekober din ng mga pulis ang apat na basyo ng bala at dalawang slug.
Nagpositibo sa impluwensya ng alkohol ang suspek.
- Latest



















