^

Metro

11 kabahayan nilamon ng apoy

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 11 kabahayan sa Brgy, Pasong Tamo sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Jesus Fernandez, nagsimula ang sunog sa bahay ni Herminio Enfiesta sa panulukan ng Himalayan Road sa San Labrador Compound bandang alas-3:44 ng madaling-araw.

Sinasabing nawalan ng kuryente sa nasabing lugar at naiwang kandila na natumba kaya kumalat ang apoy sa ilang kabahayan. Gawa lamang sa light materials ang bahay kaya mabilis kumalat ang apoy at nadamay ang iba pang bahay.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula bandang alas-4:30 ng madaling-araw.

Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog habang patuloy ang imbestigasyon.

BRGY

GAWA

HERMINIO ENFIESTA

HIMALAYAN ROAD

JESUS FERNANDEZ

PASONG TAMO

QUEZON CITY

SAN LABRADOR COMPOUND

SINASABING

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with