^

Metro

Gift giving ni Joy B sa QC, umarangkada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasaya ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mahigit sa 10,000 residente sa lungsod sa isinagawang ma­agang gift giving project nito sa Amoranto Threater sa lungsod.

Ang pamimigay ng regalo ni Belmonte na sinimulan pa noong December 2 ay tatagal ng halos isang buwan bilang bahagi ng pag-aambag ng kaunting tulong sa mga kapus­- palad at pagkilala sa mga natatanging taga-lungsod na nangangalaga sa kaayusan at kalusugan ng mga residente.

Sari-saring mga de latang pagkain, gatas, bigas, noodles at iba pa na nakasilid sa isang bag ang regalo na tinanggap ng mga batang paslit.

Tumanggap din ng regalo ang  mga street sweepers, mga barangay tanod, barangay health workers, mga volunteers na round the clock na katulong ng pamahalaang lungsod sa pagtugon sa mga emergency cases at iba pa.

Sinabi ni Belmonte na ang hakbang ay isa lamang ng kanyang paraan ng pasasalamat  sa naiambag na tulong ng mga nabanggit para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga taga-lungsod.

vuukle comment

AMORANTO THREATER

BELMONTE

LUNGSOD

PINASAYA

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

REGALO

SINABI

TUMANGGAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with