^

Metro

MM umalerto kay Ruby

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libong residente sa mga mababang lugar sa Metro Manila partikular na ang mga naninirahan sa estero at mga tabing-ilog ang inilikas kaugnay ng ibinabang alerto sa malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng bagyong Ruby.

Inalerto ng National Di­saster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC­) ang mga naninirahan malapit sa Manila Bay na umiwas sa pa­nganib ka­ugnay ng storm surge na nasa 3-4 metro ang taas bunga ng pag-landfall ng bagyong Ruby (alas-6-alas 8 ng gabi) sa Laiya, Batangas.

Nakansela rin ang klase sa lahat ng antas at mayorya sa mga tanggapan ng gob­yerno bunga ng inaasahang matitinding pag-ulan na dulot ng bagyong Ruby.

Sa tala ng Office of Civil Defense (OCD)-National Capital Region (OCD-NCR) kabilang dito ay ang nasa 2,000 katao sa katimugang bahagi ng Metro Manila na sumasaklaw sa Parañaque City, Alabang at Las Piñas City.

Sa Marikina City ay nasa 247 pamilya o 1,197 katao sa Brgy. Tumana habang nasa 15 pamilya o katumbas na 77 katao sa Brgy. Langka; pawang sa Marikina.

Nasa 35 pamilya naman o 135 katao mula sa 3 ba­rangay ang inilikas mula sa Brgy. Potrero at ilalim ng tulay na nasa kritikal o flood prone areas.

Isinailalim na rin sa heightened­ alert status ang nasa 11 lugar dito sa Metro Manila kaugnay sa nakatakdang pag­hagupit ng bagyong Ruby. Pinayuhan ng NDRRMC­ ang mga residente sa 17 bayan at siyudad sa Kalak­hang Maynila na lumikas na habang maaga dahil sa mataas ang posibilidad ng mga pagbaha.

 Sinabi naman ni Col. Adrian Sanchez, Chief of Staff ng Joint Task Force NCR, 8 M35 truck, tatlong rubber boat at limang 450M truck, amphibians ang inihanda para sa rescue operations at preemptive evacuation. Apat na platoon naman ng mga sundalo ang naka-standby para sa deployment habang nasa 418 sundalo ang ipinakalat para sa rescue mission partikular na sa Parola at Baseco compound kung saan nagmamatigas ang mara­ming mga residente na lisanin ang kanilang mga tahanan.

 

ADRIAN SANCHEZ

BRGY

CHIEF OF STAFF

JOINT TASK FORCE

METRO MANILA

NASA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with