^

Metro

Rollback: P2.50 sa gasolina, P2.30 sa diesel

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng rollback ang isang kompanya ng langis na epektibo ngayong umaga (Disyembre7).

Ang rollback na  pinangunahan ng UniOil epektibo ng alas-6:00 ng umaga ay magpapatupad ng P2.50 sa kada litro sa gasolina at P2.30 naman sa kada litro sa diesel.

Ayon kay  Erwin Abenoja,  ng UniOil company ang pani­bagong pagbaba sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigan pamilihan.

Inaasahan naman na magpapatupad din ng kahalintulad na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis.

Magugunitang huling nagpatupad ng pagbabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis noong Disyembre 2. (Lordeth Bonilla)

 

vuukle comment

AYON

DISYEMBRE

ERWIN ABENOJA

INAASAHAN

LANGIS

LORDETH BONILLA

MAGUGUNITANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with