^

Metro

Salpukan ng 2 motorsiklo: 2 rider patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang dalawang rider matapos mag­salpukan ang kanilang minamanehong mga motorsiklo habang sugatan naman ang dalawang angkas na dalagita sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Jonathan Velerosa, 19, ng San Diego St., Brgy., Arkong Bato Valenzuela City.

Namatay naman ha­bang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi rin ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Noel Oliver­ Dizon, 25, call center agent at residente ng Vicencio St., Brgy. Niugan Malabon City.

Kapwa naman ginagamot sa San Lorenzo Ruiz Women Hospital sanhi rin ng mga tinamong pinsala sa katawan ang dalawang dalagita na sina Angelica Yap, 13; at Hannah Gualao, 16.

Ayon sa ulat ng Traffic Management Unit ng Ma­labon City Police, naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi, angkas ng biktimang si Velerosa sa kanyang motorsiklo ang dalawang dalagita galing sa Arkong Bato, Valenzuela City patungong Maysilo, Malabon City.

Pagsapit sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy. Santolan­, Malabon City ay naka­salpukan ni Velerosa ang motorsiklo ni Dizon na naging dahilan upang tumilapon ang mga ito.

Agad na namatay ang biktimang si Velerosa habang dinala naman sa mga na­turang pagamutan ang ibang sugatan, namatay din habang ginagamot si Dizon kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang tunay na may kasalanan sa naturang insidente.

vuukle comment

ANGELICA YAP

ARKONG BATO

ARKONG BATO VALENZUELA CITY

BRGY

CITY

CITY POLICE

DIZON

MALABON CITY

VELEROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with