^

Metro

Pagpasa sa pondo ng DILG, ikinatuwa ng KM

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng grupong Kilos Mamamayan (KM) ang pagpasa ng Senate finance committee ng panukalang P104.57-B 2015 budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kinapapalooban ng pondo para sa iba’t ibang proyekto upang labanan ang kahirapan sa ilalim ng programang Grassroots Participatory Budgeting Process (GPBP).

Ang pahayag ay ginawa ng grupo na katuwang ng DILG Region IV-A (CALABARZON) sa pagsasagawa ng CALABARZON Regional Convergence on GPBP sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City noong Biyernes.

May  kabuang 400 na lider at miyembro ng iba’t-ibang civil society organizations (CSOs), mga opisyal ng 154 na local na pamahalaan kabilang ang hindi bababa sa 50 mayors sa rehiyon ang dumalo sa naturang pagpupulong.

Ang CALABARZON na sumasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na base sa itinatakda ng programa ay makatatanggap ng karagdagang pondo na P30 milyon ang siyudad at ang munisipalidad naman ay makatatanggap ng P12.5 milyon.

Kilala rin sa tawag na Bottom-up Budgeting (BUB) ang P20 bilyong budget sa ilalim ng GPBP na siyang magbibigay biyaya sa daan-libong katao sa mahigit na 1,600 siyudad at munisipalidad sa buong bansa.

Binati naman ni KM National Secretary Marco Polo Ferrer si DILIG Secretary Mar Roxas sa matagumpay nitong pag-depensa sa aniya ay “pondo ng mamamayan” sa ilalim ng GPBP sa pagsasabing malaking tulong ang programa upang labanan ang kahirapan sa iba’tibang sulok ng bansa, lalo na sa kanayunan; kung saan ay kaniya namang binatikos ang ilang mambabatas na nag-aakusang ‘pork barrel’ ang GPBP samantalang pinaghirapan umano ito ng CSOs at inaasahang maisasakatuparan na ang mga proyekto sa susunod na taon.

 

BATANGAS

GRASSROOTS PARTICIPATORY BUDGETING PROCESS

KILOS MAMAMAYAN

NATIONAL SECRETARY MARCO POLO FERRER

REGIONAL CONVERGENCE

SECRETARY MAR ROXAS

TAGAYTAY CITY

TAGAYTAY INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with