^

Metro

Pagkansela sa lisensya ng Maserati owner, inihain sa LTO

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang naghain  ng nagreklamo sa Land Transportation Office (LTO) ang  MMDA traffic enforcer kasabay ng paghiling sa ahensya na ikansela ang driver’s license ng Maserati driver na nanapak sa kanya sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Personal na nagtungo sa LTO main office kasama si Atty. Emerson Carlos, head ng Operations Division ng MMDA si Jorbe Adriatico upang ihain ang reklamo laban kay Joseph Russell Ingco. Tinanggap naman ni Atty. Robert Valera, hepe ng LTO Intelligence and Investigation Division ang naturang reklamo. Ani Valera, agad uupuan ng tanggapan ang naturang reklamo.

Samantala, naniniwala naman si (MMDA) Chairman Francis Tolentino na may kina­laman si Ingco sa paglantad ng babaeng motorista na inirereklamo si Adriatico.

Ayon kay Tolentino, po­sibleng pakana lamang ni Ingco ang paggamit at pag­lantad ng isang babaeng law student dahil nais lamang nitong ilihis ang tunay na isyung kanyang kinasasangkutan at siraan ang pagkatao at kredibi­lidad ni Adriatiaco. Idinagdag pa ni MMDA chairman na hindi uubra ang ganitong pakana ni Ingco upang takasan ang kanyang pagkakasala dahil wala naman itong kinalaman o koneksiyon sa in­sidente at usaping kanyang kinasa­sangkutan.

Hamon na rin ni Tolentino sa babaeng motorista na nakilala sa pangalang “alyas Grace”, na  magbigay na rin ng formal statement ukol sa reklamo niya kay Adriatico at hindi naman aniya maaaring nakatago ang pagkakakilanlan nito at  kung kailangang maprotektahan ito ay bibigyan nila ng  proteksiyon.

Matatandaang nitong Linggo ay lumantad ang naturang law student  at ikinuwento ang naranasang pambabastos umano sa kanya ni Adriatico noong unang linggo ng Nob­yembre. Kahapon naman, da­lawa pang vendors ang nagpatunay sa umano’y magaspang na pag-uugali ng enforcer.

Ayon sa dalawang tindero na nagmumura at laging galit sa mundo si Adriatico na maging mga commuter ay nababastos sa pag-uugali nito.

 

vuukle comment

ADRIATICO

ANI VALERA

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EMERSON CARLOS

INGCO

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

JORBE ADRIATICO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with