^

Metro

Mapua stude kinuyog ng 6 na La Salista

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang anim na sinasabing estudyante ng De La Salle University at diumano’y miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng basag na bote ang kanang mata ng isang 20-anyos na pamangkin ng isang photo journalist sa isang bar sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Naka-confine sa Manila Doctors’ Hospital ang biktimang si Lance Vicoy, graduating student ng Mapua Institute of Technology at residente ng Grand Towers­ sa Pablo Ocampo St., Malate, na sumailalim na sa surgical operation ang kanang mata. Inaalam pa ang pagkilanlan ng mga suspek.

Nabatid kay Ali Vicoy, photo­grapher ng Manila Bulletin, ikalawang araw pa lang sa nasabing paga­mutan ng kanyang pamangkin ay umaabot na ang bill sa P800,000 at ang  pinakagrabe aniya, ay ang pagkasira ng tubo na dinadaanan ng luha ng biktima, kaya permanente na umanong  dadaloy ang luha at palaging basa ang mata at mukha ng biktima.

Nabatid na sa isang linggo ay nakatakda sana ang pagtungo sa Estados Unidos ng biktima subalit malabo na umanong matuloy dahil sa pinsala na tinamo nito.

Batay sa inihaing reklamo sa tanggapan ni  P/Supt. Romeo Odrada, hepe ng Manila Police District-station 9, dakong 11:30 ng gabi nitong Biyernes nang maganap ang insidente sa loob ng Beach House Resto Bar sa Agno St., sa likuran ng De La Salle University, sa Malate.

Nabatid na ang kasama ng biktima na si Enzo, 17- anyos, ang unang kinursunada ng mga suspek kaya nagtatakbo ito papasok sa bar at inawat lamang ng biktima at pinakiusapan ang mga suspek na ‘pag-usapan na lang natin yan pare’.

Sa halip na tumigil, pinalibutan ang biktima at pinagbubugbog at isa ang nagbasag ng bote at ipinalo sa mata ng biktima na naging dahilan upang mawasak ang talukap at masugatan ang loob nito.

vuukle comment

AGNO ST.

ALI VICOY

BEACH HOUSE RESTO BAR

BIKTIMA

DE LA SALLE UNIVERSITY

ESTADOS UNIDOS

GRAND TOWERS

LANCE VICOY

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with