^

Metro

9 na karnap na sasakyan, narekober

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siyam na pinaniniwalaang karnap na sasakyan ang narekober samantalang  pinag­hahanap pa ng pulisya ang magkapatid na karnaper sa  Parañaque City, kama­kalawa ng gabi.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, hanggang ngayon ay nakakalaya pa ang magkapatid na sina Russel at Romulo Dolor­  Pacia Jr., kapwa taga-Sun Valley, Brgy. 195 ng na­turang lungsod na nahaharap ang mga ito sa kasong 8 counts of carnapping at estafa.

Samantala, nasa custody ngayon ng Parañaque City Police ang siyam na sasak­yan at ang mga ito ay ang apat na Nissan Somera; apat na Toyota Vios at Kia Picanto. Karamihan sa mga ito ay bago pa at wala pang plaka.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:00 ng gabi nang marekober ang nabanggit na mga sasakyan sa Multi-National Village, Brgy.  Moonwalk, Parañaque City ng operatiba ng Anti-Carnapping Unit ng Parañaque City Police sa pamumuno ni Police Supt. Teofilo Andrada. Base na rin  sa naging reklamo ng mga biktima na nagbulgar sa modus operandi ng mga suspek na ito ay hihimukin  ang may-ari ng kotse na pa­upahan ang kanilang mga bagong sasakyan.

Halimbawa, P15,000 kada buwan ang binabayarang hulog­ ng may-ari, aalukin ito ng mga suspek ng P30,000 kada buwan at matapos ang isa hanggang dalawang buwang hulog, hindi na makikita ang sasakyan dahil tinangay na ng mga suspek.

Ayon pa sa pulisya, hindi umano ito pangkaraniwang paraan ng pangangarnap  habang patuloy pang nag­sa­sagawa ng follow-up operation­ ang mga pulis.

ANTI-CARNAPPING UNIT

ARIEL ANDRADE

AYON

BRGY

CITY POLICE

KIA PICANTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with