^

Metro

7-month old baby, patay sa sunog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang pitong buwang gulang na sanggol matapos ma-suffocate habang nasusunog ang kanilang tinitirhan kamakalawa sa Muntinlupa City.

Alas-6:15 ng gabi, idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Shamir Syron San Juan matapos itong ma-suffocate sanhi ng ma­kapal na usok sa naganap na sunog.

Base sa report na natanggap ni Supt. Roderick Aguto, Muntinlupa City Fire Marshall, naganap ang insidente alas-5:20 ng hapon sa Purok 1, Brgy. Buli ng naturang lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat ni SFO2 Rodolfo Aguilar, bigla na lamang nagliyab ang na­turang bahay na pag-aari ni Robert San Juan.

Dahil sa makapal na usok,  nagawa pa ring makuha ang sanggol mula sa naturang nasusunog na bahay ng kanyang mga kaanak at ka­agad itong dinala sa naturang pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Faulty electrical wiring ang hinihinalang dahilan sa  pagsiklab ng apoy na umabot sa ikalawang alarma.

vuukle comment

AYON

BRGY

BULI

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY FIRE MARSHALL

ROBERT SAN JUAN

RODERICK AGUTO

RODOLFO AGUILAR

SHAMIR SYRON SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with