^

Metro

Nagsanhi na ng trapik, nag-brownout pa 16 poste ng kuryente, itinumba ng dump truck

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-stranded ang maraming mananakay makaraang magdulot nang pagsisikip sa daloy ng trapiko at kawalan ng supply ng kuryente matapos bumagsak ang may 16 na poste ng Manila Electric Company (MERALCO) nang salpukin ito ng isang dump truck,  kahapon ng umaga sa Taguig City.

Ayon sa monitoring ng  Metro Base ng MMDA, naganap ang insidente alas-8:24 ng umaga sa may East Service Road, Brgy. Bicutan, bahagi ng FTI at PNR Site ng naturang lungsod.

Ayon sa MMDA, papuntang C-6 ang isang dump truck na may kargang lupa at habang binabagtas  nito ang naturang lugar ay biglang sumabog ang gulong.

Dahil dito nawalan ito ng kontrol hanggang sa sinalpok nito ang isang poste ng MERALCO at nadamay ang 15 pang poste.

Dahil sa insidente, nagdulot ito ng brownout  sa malaking bahagi ng Brgy. Bicutan at nagresulta din ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa naturang lugar dahil humambalang ang naturang dump truck.

Dinala naman sa Taguig City Traffic Sector ang driver ng dump  truck para imbestigahan pero pinahintulutan muna itong kumain, gayunman nang puntahan na ng mga pulis kung saan ito kumain  ay nakatakas na ito. Maging ang pangalan nito ay hindi  nakuha ng mga pulis.

AYON

BICUTAN

BRGY

DAHIL

EAST SERVICE ROAD

MANILA ELECTRIC COMPANY

METRO BASE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY TRAFFIC SECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with