^

Metro

Kasong administratibo isinampa laban sa 3 holdaper na pulis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagharap na ng kasong administratibo ang tatlong pulis na nangholdap sa isang messenger na kanilang natangayan ng isang P1-milyong piso sa Pasay City kamakailan.

Ang kaso ay iniakyat na sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na naglalayong tuluyang ma­sibak sa serbisyo ng tatlong holdaper na pulis.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Henry Ranola, na ipinadala na nila ang rekomendasyon sa NCRPO para kasuhan ng grave misconduct­ sina PO2 John  Mark Manguera, 33; PO1 Ronald Villanueva, 33; at PO1 Noli Tiu Soliman, 33, na pawang nakatalaga sa Central Park Police Community Precinct (PCP) 5  sa Pasay City.

Una na ring kinasuhan ng criminal case ang tatlo kung saan ay pinaglagak sila ni Pasay City Assistant Pro­secutors Marissa Ednaco ng tig-P100,000 piyansan para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Ayon kay Ranola, kahit nakapaglagak na ng pi­yansa ang tatlong pulis ay pansamantala silang mananatili sa kustodiya ng District Holding Office ng SPD habang hinihintay ang summary hearing laban sa mga suspek.

Habang si Alexander Pantoja ay nakapagpiyansan na rin kamakalawa ng P100,000 habang ang kasama nitong si Limuel Camposagrado ay nanatili pa rin nakakulong sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Ma­nagement Branch ng Pasay City Police.

Base sa rekord ng pulisya, hinoldap ng mga suspek noong Nobyembre 6, 2014 ang biktimang si Jeffrey Rabe, 24, binata, messenger ng Senubi Travel and Tour Company.

ALEXANDER PANTOJA

CENTRAL PARK POLICE COMMUNITY PRECINCT

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISTRICT HOLDING OFFICE

HENRY RANOLA

JEFFREY RABE

LIMUEL CAMPOSAGRADO

MARISSA EDNACO

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with