^

Metro

2,500 pamilya nawalan ng bahay lalaki tupok sa sunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa sunog na tumupok sa mga bahay sa Parola Compound sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Fire Supt. Jaime Ramirez, fire marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila, natagpuan nila ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa gitnang bahagi ng mga nasunog na bahay.Nadiskubre lang ito nang magliwanag.

Dakong ala-1:23 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog na umabot pa sa general alarm kaya’t du­magsa rin ang mga fire vo­lunteers sa lugar.

Sinabi ni  Ramirez na tinatayang nasa 2,500 pamilya o aabot sa 5,000 hanggang 7,000 residente ang apektado ng sunog. Nasa P6.5 milyon naman ang halaga ng natupok na ari-arian.

Pinaghihinalaang elec­trical overload ang sanhi ng sunog mula sa isang lamay sa bahay ng isang alyas Steve sa Area 18 at nadamay ang mga kabahayan sa Area 19 hanggang area 20 sa Parola Compound sa Tondo.

Tumagal ng mahigit anim na oras, nang idekla­rang fire-out dakong 7:37 ng umaga, at saka isina­gawa ang clearing operation.

Dinala muna sa  Delpan evacuation center ang mga apektadong residente ngunit hanggang 800 pamilya lang ang kaya nito kaya pinag-aaralan nang buksan ang Baseco evacuation center.

Inatasan naman ni Manila Mayor Joseph Estrada  ang  Manila Social Welfare Department na bigyan ng supply ng makakain ang mga apektadong residente.

AYON

BASECO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAKONG

FIRE SUPT

JAIME RAMIREZ

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

PAROLA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with