^

Metro

Parak na sangkot sa holdapan, sumuko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumuko na sa pulisya ang isa sa tatlong pulis na sangkot sa panghoholdap sa isang messenger kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Bandang alas-6 ng gabi nang sumuko kay P/Senior Supt. Melchor Reyes,  hepe ng Pasay City PNP ang suspek na si PO2 John  Mark Manguera, 33,  ng #1228 Interior 62 Tambunting Street,  Sta. Cruz,  Maynila at nakatalaga sa Police Community Precinct 5.

Kasama ni PO2 Manguera ang kanyang abogado sa pagsuko kay P/Senior Supt. Reyes.

Pansamantala namang  nakalaya ang dalawang pulis na sina PO1 Ronald Villa­nueva, 33, ng Block 16 Lot 7 Crotia St., Chera Nevada Subdivision, General Trias, Cavite; at PO1 Noli Tiu Soliman, 33, ng  naturang lugar, kapwa nakatalaga sa PCP 5.

Pinayagan ni Pasay City Assistant City Prosecutor Marissa Ednaco ang dalawang pulis matapos makapagpiyansa ng P.1 milyon bawat isa sa kasong robbery at illegal possession of firearms na kinakaharap ng mga ito.

Sa tala ang pulisya, ang tatlong suspek ay kasabwat sa panghoholdap sa messenger na si Jeffrey Rabe habang magdedeposito sana ito ng P1 milyon sa bangko sa panulukan ng Macapagal Boulevard at Gil Puyat Avenue, Pasay City noong nakalipas na linggo. (Lordeth Bonilla)

CHERA NEVADA SUBDIVISION

CROTIA ST.

GENERAL TRIAS

GIL PUYAT AVENUE

JEFFREY RABE

LORDETH BONILLA

MACAPAGAL BOULEVARD

PASAY CITY

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with