^

Metro

Tuition fee sa Caloocan City University, libre na sa 2015

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magiging libre na sa susunod na taong 2015 ang matrikula sa University of Caloocan City na bahagi umano ng mga reporma para sa edukasyon sa lungsod.

Ito ang tiniyak ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kasabay ng opisyal na pag­bubukas ng dalawang ba­gong tayong campuses ng UCC kamakalawa na inaasahang magdaragdag ng higit sa 5,000 mag-aaral buhat sa lungsod.

Kasalukuyang nasa P1,800 ang tuition fee kada semester sa UCC na tuluyang tatanggalin sa 2015 upang mas lalo umanong makinabang sa libreng edukasyon ang mga mahihirap na estudyante sa lungsod. 

Ipinagmalaki naman ng alkalde ang dalawang bagong tayong gusali ng UCC sa Ca­loocan North campus-Ca­ma­rin at Caloocan South Cam­pus-Biglang Awa na kapwa nag­kakahalaga lamang ng tig-P154 milyon. 

Ang dalawang limang pa­lapag na gusali ay kapwa may tig-52 silid-aralan, may smoke-detectors, CCTV came­ras, Wi-fi, e-book library, elevators at top floor auditorium.

vuukle comment

BIGLANG AWA

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CALOOCAN SOUTH CAM

IPINAGMALAKI

KASALUKUYANG

MAGIGING

SHY

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with