^

Metro

2 most wanted nalambat ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang most wanted persons na sangkot sa serye ng robbery holdup sa lungsod Quezon ang nalambat ng mga opera­tiba sa magkahiwalay na operasyon, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Senior Supt. Joel Pagdilao, ang mga nadakip na suspect na sina Emmanuel Armas, 32, tattoo artist  at Gerald Capili, 21. Ayon kay Pagdilao, si Armas na No.1 Most Wanted ng  Talipapa Police Station (PS-3) at No. 9 sa buong QCPD, ay nadakip ng pinagsanib na tropa ng District Intelligence Division at CIDG sa ganap na alas-2:55 ng hapon sa kanyang bahay sa bisa ng isang  Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Alfonso Ruiz para sa kasong robbery with homicide. Si Armas ay itinuturong responsable sa serye ng robbery holdup na nambibiktima ng salon at spa sa Brgy. Talipapa at Pasong Tamo sa Quezon City. Habang si Capili, na No. 8 most wanted  ng Novaliches Police Station (PS-4) ay nadakip ng isang tracker team ng PS-4 ganap na alas-4:45 ng hapon sa Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

BRGY

DIRECTOR POLICE SENIOR SUPT

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

EMMANUEL ARMAS

GERALD CAPILI

JOEL PAGDILAO

JUDGE ALFONSO RUIZ

MOST WANTED

NOVALICHES POLICE STATION

PASONG TAMO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with