^

Metro

Kompanya binulabog ng bomb threat

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabulabog  ang mga kawani ng isang kompanya matapos makatanggap ng bomb threat kamakalawa ng gabi sa Makati City. Sa report na nakarating sa tanggapan ng Makati City Police Desk, naganap ang insidente alas-8:56 ng gabi sa West Contact Service sa 24th  floor, Export Bank Bldg., panulukan ng Pasong Tamo at Gil Puyat Ave., Brgy. Pio Del Pilar. Base sa report, isang kawani ng kompanya na si Jasmine Amper ang nakatanggap ng tawag mula sa isang hindi nagpakilalang caller na ang phone number ay 7848231, na ayon dito ay sasabog aniya sa loob ng tatlong oras ang naturang tanggapan. Agad namang ipinagbigay-alam sa security services ng kompanya at ilang saglit lamang ay pinababa ang lahat ng kawani. Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng bomb squad SWAT Team ng Makati City Police na nagsagawa ng inspection. Pagkaraan ng ilang oras, negatibo naman ito sa bomba at alas-11:15 ng gabi saka pinabalik ang mga kawani sa kanila-kanilang trabaho.

vuukle comment

BRGY

EXPORT BANK BLDG

GIL PUYAT AVE

JASMINE AMPER

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE DESK

PASONG TAMO

PIO DEL PILAR

WEST CONTACT SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with