^

Metro

15-anyos todas sa rambol

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang pagsasaksakin ng isa sa grupo ng mga kabataan matapos komprontahin ng huli ang una hingil sa dati nilang alitan na nauwi sa rambulan sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Si John Balena ng Mahogany St., Brgy. Payatas ay nagawa pang maitakbo sa ospital pero binawian din ng buhay, ayon kay PO3 Erick Isidro.

Nangyari ang insidente sa may Bansalangan St., Group 1, Area B, Brgy. Payatas, ganap na alas-9 ng gabi.

Sa ulat naman ni PO2 Mary Jane Casinao ng Police Station 6, nakatayo anya ang biktima sa nasabing lugar nang dumating ang isang grupo ng kabataang lalaki at kinompronta ang biktima kaugnay sa dati nilang alitan.

Ang komprontasyon ay nauwi sa rambulan matapos na makipagpambuno ang biktima sa grupo ng suspects hanggang sa isa sa mga huli ang nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima. Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos na humandusay na duguan ang biktima. 

vuukle comment

AREA B

BANSALANGAN ST.

BRGY

ERICK ISIDRO

MABILIS

MAHOGANY ST.

MARY JANE CASINAO

PAYATAS

POLICE STATION

SI JOHN BALENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with