^

Metro

Presyo ng petrolyo, tumaas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumawi na ang mga kompanya ng langis matapos ang anim na sunod-sunod na rollback, makaraang ipatupad kahapon ang pagtaas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Nabatid, na sabay-sabay na nag-abiso ang Petron Corporation, Pilipinas Shell at  Chevron Philippines hinggil sa taas presyo ng kanilang produkto. Nasa  P0.20 kada litro ang itinaas sa  presyo ng gasolina, P0.25  sa diesel at P0.30 naman sa kerosene na epektibo kahapon ng alas-6:00 ng umaga.

Kaagad namang sumunod ang PPT Philippines, Phoenix Petroleum at Total na kahalintulad din ng halaga.   

Ayon kina  Petron Strategic Communications Manager Raffy Ledesma, Toby Nebrida ng Pilipinas Shell at Ning Ignacio,  ng Chevron Philippines,  ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

vuukle comment

AYON

BUMAWI

CHEVRON PHILIPPINES

NING IGNACIO

PETRON CORPORATION

PETRON STRATEGIC COMMUNICATIONS MANAGER RAFFY LEDESMA

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

TOBY NEBRIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with