^

Metro

Fixers sa city hall wawalisin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Manila City  Hall-Manila  Assistance and Special Assignment (MASA) na  tuluyan nang  mawawala ang mga fixers at iba pang mga  gumagawa ng iligal na gawain sa loob at labas ng Manila City hall sa mga susunod na araw.

Ang paniniyak ay ginawa ni  MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., matapos na  kumpirmahin nito ang paglalagay ng mga closed circuit television sa iba’t ibang   lugar sa loob at palibot sa labas ng city hall may 12 CCTV ang inilagay.

Ayon kay Irinco, mala­king tulong ang CCTV upang malinis ang  city hall mula sa mga fixers na hanggang sa ngayon ay gumagala pa rin.

Kadalasan din ngayong  nagkakaroon ng transaksiyon sa labas ng city hall lalo pa’t naging mahigpit ang  seguridad sa paglabas at pagpasok dito.

Sinabi ni  Irinco na hindi lamang mga kaganapan sa loob ng  city hall ang  nakikita ng CCTV kundi maging sa labas nito kung saan ilang paradahan ng ilang sasakyan.

Aniya, may tauhan siyang 24/7 na magmomonitor  upang agad na makares­ponde.

ANIYA

ASSISTANCE AND SPECIAL ASSIGNMENT

AYON

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CITY

IRINCO

MANILA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with