^

Metro

Mister dinedo ng kaalitang kapitbahay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang  mister ng kanyang kapitbahay dahil sa matagal ng alitan, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Dead-on-arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktimang Ricardo Misa, 50, ng  Sunshine Villa,  Brgy. Talon 2 ng na­sabing lungsod sanhi ng tinamong dalawang malalim na saksak sa tiyan at dibdib.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Nestor Asuncion, 50, ng naturang lugar.

Base sa isinumiteng report  kay Senior Supt. Adolfo Samala­, hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-12:30 ng madaling-araw sa labas ng bahay ng biktima sa  naturang lugar.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Norma Estigoy, 50, nagkukuwentuhan sila nang dumating ang suspek na nasa impluwensiya ng alak. Dito ay pinagmumura ng suspek ang biktima, subalit hindi naman nito pinansin ng huli.

Dahil sa pandededma,  kumuha ng patalim ang suspect at walang salitang pinagsasaksak ang biktima hanggang sa du­guan itong bumulagta. Ang suspek naman ay mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen. Nalaman  ng pulisya na may matagal nang alitan ang dalawa.(Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADOLFO SAMALA

CITY POLICE

DISTRICT HOSPITAL

LAS PI

LORDETH BONILLA

NESTOR ASUNCION

NORMA ESTIGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with