2 bugaw tiklo, 8 dalagita nailigtas sa Mandaluyong
MANILA, Philippines – Nadakip kagabi ang dalawang bugaw, habang nailigtas ang walong babaeng menor de edad sa loob ng isang hotel sa lungsod ng Mandaluyong.
Nakilala ang mga suspek na sina Rolly Batilaran at RJ Bulagot at nahaharap sa kasong paglabag sa anti-human trafficking law.
Nasakote ang mga suspek matapos magkunwaring customer ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation.
Nagkasundo ang dalawang panig sa halagang P1,000 bawat isang babae.
Tiklo sina Batilaran at Bulagot matapos maiabot ang bayad sa loob ng isang bar sa Mandaluyong City.
- Latest