^

Metro

400 silid-aralan, itatayo sa Valenzuela

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ipinagmalaki ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na nasa 400 bagong mga silid-aralan ang kanilang itatayo sa lungsod sa loob ng susunod na dalawang taon upang mapaluwag ang mga paaralan kasabay ng tumataas na populasyon ng mga mag-aaral.

Sa ulat ng City Engineering Office, nasa 15 pampublikong elementary at high school buildings sa lungsod ang nakaiskedyul na area sa konstruksyon ngayong 2014 at 2015.  May kabuuan umanong 435 silid-aralan ang naturang mga gusali. Sa oras na maganap ito, makakamit umano ng lungsod ang pinaka-ideyal na “pupil-to-classroom ratio” na 1:45.

Kasalukuyan, nasa 54 silid-aralan na ang natatapos at nabuksan nitong buwan ng Agosto. Kabilang dito ang “state of the art” na Valenzuela School of Mathematics and Science sa Brgy. Malinta; tatlong palapag na gusali sa Apolonia Rafael Elementary School sa Brgy. Mapulang Lupa; apat na palapag na gusali sa Malinta National High School sa Brgy. Malinta; at tatlong palapag na gusali sa Sitero Francisco High School sa Brgy. Ugong. Sa kabuuan kasama ang mga bagong gusali, may kabuuang 1,489 silid-aralan sa buong lungsod na maglalaman ng 141,814 mag-aaral.

vuukle comment

AGOSTO

APOLONIA RAFAEL ELEMENTARY SCHOOL

BRGY

CITY ENGINEERING OFFICE

IPINAGMALAKI

MALINTA

MALINTA NATIONAL HIGH SCHOOL

MAPULANG LUPA

SITERO FRANCISCO HIGH SCHOOL

VALENZUELA SCHOOL OF MATHEMATICS AND SCIENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with