^

Metro

Lady trader pinagnakawan, pinatay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babaeng negos­yante ang nasawi nang pagnakawan na ay pagsasaksakin pa ng dalawang di kilalang suspek sa loob mismo ng kanilang townhouse sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Maria Luisa Ramirez, 39, at residente ng Araullo Street, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa mismong townhouse ng biktima, habang naghahanda ito patungo sa kanilang grocery store upang magbukas ng tindahan.

Sa salaysay sa pulisya ni Rodel Ramirez, asawa ng biktima, nauna siyang lumabas ng bahay para kunin ang sasakyan na gagamitin patungo sa kanilang grocery store, ngunit hindi pa siya naka­kalayo ay narinig na niyang nagsisisigaw ang asawa.

Kaagad naman umanong bumalik si Rodel sa kanilang townhouse, na siyang pinakadulong unit ngunit wala na ang mga suspek at sa halip ay natagpuan ang duguan at wala ng buhay na biktima.

Hinala ni Rodel ay nakasalubong pa niya ang isa sa mga suspek na naka-sumbrero palabas ng gate.

Posible rin umanong tu­makas ang mga suspek sakay ng motorsiklo dahil may narinig umano siyang dalawang motorsiklong humarurot paalis sa lugar ma­tapos ang krimen.

Hindi naman umano naku­hanan ng CCTV sa townhouse ang krimen dahil sira ito at katatanggal lang din umano ng security guard matapos magkaproblema sa asosasyon.

Nakuha naman ang po­sibleng murder weapon sa krimen na isang kutsilyo at isang ice pick na itinapon ng mga suspek sa manhole sa labas ng townhouse.

Ang biktima ay sinasabing natangayan ng P5,000 cash ngunit inaalam pa kung may nanakaw din mula sa loob ng bahay nito.

vuukle comment

ADDITION HILLS

ARAULLO STREET

BARANGAY ADDITION HILLS

BATAY

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARIA LUISA RAMIREZ

RODEL

RODEL RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with