^

Metro

2 pulis-Maynila, kinasuhan ng kotong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang ipinag­harap ng kasong robbery extortion sa Manila Prosecutor’s Office ang  dalawang tauhan ng Hermosa Police Community Precinct ng Manila Police District-station 7 ma­tapos positibong ituro ng apat na jeepney driver na tumangay ng kanilang kita at boun­dary nang sila ay abutan sa aktong naglalaro ng pusoy sa Tondo, Maynila, noong Set­yembre 15.

 Kinilala ni MPD-General Assignment and Investigation Section chief, Senior­ Ins­pector Arsenio Ri­parip, ang mga inireklamong sina PO3 Luisito Dio­nisio at PO2 Joselito Saygo, pawang naka­talaga sa PS-7 ng MPD.

Personal na huma­rap ang mga complainant na sina Eric Cas­tillo, 39, operator at may-ari ng IG-M Transport; Leopoldo  Ganab, 45, jeepney driver; Noriel  Casta­ñeda, 46, driver; at Loth-loth  Pilasol, 47, driver at pawang stay-in sa Abad Santos, Tondo, Manila nang ipa­tawag sila sa harap ng mga inaakusahang pulis.

Tatlo umano ang mga suspek na pulis, subalit dalawa lamang ang lumutang. Sila umano ang pumasok sa loob ng GM Transport Compund, noong alas-11:20 ng gabi ng Setyembre 15 at sinita ang mga naglalaro ng pusoy­.

Kinapkapan sila kung saan nakuha ang P3,000 sa bulsa ni Castillo; P750 ni Ganab; P350 ni Casta­ñeda; at P800 ni Pilasol at nilisan ang nasabing compound.

Nang magpasiya na dumulog sa Hermosa PCP ay nakita nila doon ang mga suspek kaya sa MPD-GAIS na lamang itinuloy ang reklamo.

ABAD SANTOS

ARSENIO RI

CASTA

ERIC CAS

GANAB

GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

HERMOSA POLICE COMMUNITY PRECINCT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with