^

Metro

Pinayagang magpiyansa ng tig-P500,000 Cedric Lee, Deniece Cornejo lalaya na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang makalaya pansamantala sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.

Ito’y matapos katigan ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) ang hirit ng mga itong makapagpiyansa kasama ang isa pang akusadong si Simeon Raz bagama’t itinuturing na non-bailable offense ang kanilang kaso.

Batay sa 72-pahinang desisyon ni Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes na ibinahagi ni Axel Gonzales, abogado ni Cornejo na nabigo ang pro­sekusyon na patunayang nagkaroon ng serious illegal­ detention.

Tig-P500,000 ang ini­re­komendang piyansa sa mga akusado.

Hindi pa naman masabi ni Gonzales kung kailan makapaglalagak ng pi­yansa ang tatlo pero anya, “So far, masaya naman sila because at least ’yung contention nila from the start na mabigyan sila ng bail was granted by the court.”

Una nang kinumpirma ng abogado rin ni Cornejo na si Atty. Sal Panelo ang na­ging desisyon ng korte, na pinaalam din aniya ito sa kanila ng abogado nina Lee at Raz.

Samantala, ang kampo naman ni Navarro, wala pa ring natatanggap na kopya­ ng resolusyon at aminado naman si Atty. Alma Mallonga­, abogado ni  Navarro, na masama ang kanilang loob sa ulat lalo’t ginawa naman aniya nila ang lahat para umusad ang naturang kaso.

Nakatakda silang mag­hain ng motion for reconsideration sakaling makumpirma ang desisyon ng korte at matanggap na nila ang resolution nito.

Matatandaan na kina­su­­han ni Navarro ang grupo nina Lee at Cornejo ng serious­ illegal detention ma­tapos siyang­ pagtulungang gul­pihin nito noong Enero 23, 2014 sa condo­minium ni Cornejo sa Taguig City.

 

ALMA MALLONGA

AXEL GONZALES

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

JUDGE PAZ ESPERANZA CORTES

NAVARRO

SAL PANELO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with