^

Metro

200 ‘tablet’ ipinamahagi

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa  200 na  tablet ang ipinamahagi  sa apat na pampublikong paaralan bilang bahagi ng  E-Learning Program  ni Manila Vice Mayor isko Moreno.

Mismong si Moreno ang nanguna sa  pagbibigay ng  Android tablet  sa Florentino Torres High School sa Gagalangin, Tondo; Timoteo  Paez,  Integrated School, Balut, Tondo; Esteban Abada High School, Dapitan at  Emilio Aguinaldo High School, Punta, Sta. Ana.

Ayon kay Moreno ang  pamamahagi ng  tablet  ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makasabay sa makabagong  teknolohiya na ipinatutupad ngayon sa mga private school.

Hindi umano dapat na maging malayo ang agwat ng estado ng  edukasyon ng  public schools sa private schools.

Aniya ang bawat  estudyante ay may karapatan na magkaroon ng  sapat at  makabagong pamamaraan sa  larangan ng  edukasyon.

Aniya, wala nang imposible  sa panahon ngayon kung kaya’t dapat na samantalahin ng mga mag-aaral  ang pagkakataon na mag-aral sa tulong na rin ng  mga  city officials na handang maglaan ng  tulong.

ANIYA

AYON

E-LEARNING PROGRAM

EMILIO AGUINALDO HIGH SCHOOL

ESTEBAN ABADA HIGH SCHOOL

FLORENTINO TORRES HIGH SCHOOL

INTEGRATED SCHOOL

MANILA VICE MAYOR

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with