^

Metro

Billy Crawford arestado sa pagwawala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaresto at ikinulong ng pulisya ang international singer na si Billy Joe Crawford makaraang magwala at makabasag ng salamin sa istasyon ng pulisya habang nasa impluwensya ng alak kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Pinag-aaralan na sampahan ng mga kasong “malicious mischief, direct assault, at resisting arrest” ang 32-anyos na si Crawford habang ikinulong ito sa himpilan ng pulisya sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-4:30 ng mada­ling araw nang magtungo si Crawford na sinasa­bing lango sa alak kasama ang isang hindi  kilalang kaibigang babae sa Police Community Precinct 7 sa Bonifacio Global City.

Nagsisigaw umano si Crawford at sinabing may pinagdadaanan siyang problema at gusto niyang magpakulong upang hindi makasakit ng ibang tao.

Naabutan ni Crawford ang mga naka-duty na policewomen na sina PO1 Jasmin Sipagan at PO1 Rodelma Canao na nagsabi na wala silang detention cell sa kanilang PCP at sinabihan ang singer na sa kanilang headquarters magtungo.

Gayon pa man, lalong nagwala si Crawford hanggang sa sipain at mabasag ang sala­ming pintuan ng istasyon kung saan agad namang humi­ngi ng responde ang mga babaeng pulis kaya ina­resto at pinosasan si Crawford nina PO2s Anthony Llagas at Francisco Nicolas.

Napag-alaman na bago maganap ang pagwawala ni Crawford ay galing ito sa star magic ball sa Shangrila Hotel sa Edsa kung saan kasama nito ang kanyang kasintahan na si Coleen Garcia.

Nagbigay naman ng pahayag kahapon si Crawford at humingi ng paumanhin sa publiko, mga tagahanga at sa pulisya sa ginawa niyang pagwawala.  Inamin ng actor/singer na may malaki siyang problema kaya nagpakalango sa alak subalit hindi niya intensyon na manira ng gamit.

Handa naman umano niyang harapin kung anuman ang ikakaso sa kanya ng mga pulis at nais na makausap ng personal ang mga babaeng pulis na inabutan niya upang personal na makahingi ng tawad.  May ulat na nasuntok ni Crawford ang isa sa mga babaeng pulis na itinanggi naman ng kasintahan nito na si Garcia sa Twitter account. 

vuukle comment

ANTHONY LLAGAS

BILLY JOE CRAWFORD

BONIFACIO GLOBAL CITY

COLEEN GARCIA

CRAWFORD

FRANCISCO NICOLAS

JASMIN SIPAGAN

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with