Lalaki hulog sa 2nd floor ng bahay, lasog
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang aksidenteng mahulog sa ikalawang palapag habang siya ay naglilinis sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Sa ulat ni SPO1 Kingly James Bagay ng Police Station 7 ng QCPD, nakilala ang biktima na si Ysmael Colmenar, 53, na nagawa pang maisugod sa ospital pero hindi na umabot pa ng buhay.
Ayon kay Bagay, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa J.P. Rizal, Brgy. San Roque, Cubao, ganap na alas-9:15 ng umaga. Diumano, kasalukuyang nagkukumpuni ang biktima sa 2nd floor ng nasabing bahay nang aksidenteng madulas ito at mahulog.
Isinugod pa ang biktima sa Labor Hospital subalit idineklara din itong dead-on-arrival.
- Latest