Family driver, pumalag sa holdap tinodas
MANILA, Philippines - Isang family driver ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay matapos na pumalag sa holdap kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Benedicto dela Cruz, 52, ng Pedro Guevarra St., Sta. Cruz, Manila dahil sa tinamong saksak sa dibdib, likod, braso at tadyang. Naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw habang ang biktima ay naglalakad sa panulukan ng Fugoso at M. Natividad Sts. sa Sta. Cruz, Maynila papasok sa kanyang ng trabaho bilang family driver nang harangin ng apat na kalalakihan at inakbayan sabay hingi sa bag nito.
Tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang gamit sa pagsasabing damit at pagkain lamang ang laman ng kanyang bag.
Ayon sa isang saksi, nakita niya ang biktima na tila nakikipagpambuno sa mga suspek hanggang sa marinig niya ang pahayag ng biktima ng “wala akong pera, wala akong pera,” saka walang awang pinag-uundayan ng saksak ng suspek.
Nabatid sa ka-live-in ng biktima na tanging baon lamang na pagkain sa tanghalian ang laman ng bag ni Dela Cruz at ang pera nito ay P100
- Latest