^

Metro

Pagpapalit ng riles ng LRT-1, aabutin ng 2-taon

Lordeth Bonilla at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang aabutin ng dalawang taon ang gagawing pagpapalit ng riles ng Light Rail Transit (LRT-1) na nakatakdang simulan sa Disyembre ng taong ito.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT Authority at ng Metro Rail Transit (MRT-3), ang railroad track replacement  ay bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na makapagbigay ng de-kalidad na transportasyon sa bansa.

Inaasahan umanong aabutin ng dalawang buwan o hanggang sa katapusan ng Oktubre bago tuluyang mai-deliver ang mga parts na gagamitin sa proyekto.

Sisimulan naman ang P270 milyong proyekto sa Disyembre 5, na sasakop sa mga riles sa may 20 istasyon o mula Baclaran hanggang Monumento.

Bukod naman dito, plano na rin ng LRT-1 na mag-expand pa ng railways sa pamamagitan nang pagdaragdag ng walong bagong istasyon.

Samantala, ang tren naman ng LRT-1 ang dumanas ng problema kahapon.

Nabatid na nagbaba lamang ng pasahero sa Pedro Gil Station ang isang north-bound train ng LRT-1 ganap na alas-10:30 ng umaga ngunit hindi na nakaalis pa ng naturang istasyon dahil ayaw nang sumara ang mga pintuan nito.

Dahil dito, naapektuhan ang operasyon ng LRT-1 at napilitan ang pamunuan ng LRT-1 na pababain na lamang ang kanilang mga pasahero para makahanap ng ilang masasakyan patungo sa kani-kanilang destinasyon. Kaagad namang inasikaso ng mga tauhan ng LRT-1 ang problema upang maibalik sa normal ang operasyon.

AYON

BACLARAN

BUKOD

DAHIL

DISYEMBRE

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

LRT

METRO RAIL TRANSIT

PEDRO GIL STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with