^

Metro

MRT, iinspeksyunin ng mga Hong Kong expert

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumating sa bansa kahapon ang ilang eksperto mula sa Hong Kong upang inspeksyunin ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng MRT-3 at ng Light Rail Transit Authority (LRTA), tutulong ang mga naturang eksperto sa pag-assess sa mga improvement na dapat gawin sa rail system.

Isa aniya ito sa mga hakbang na ginagawa ng pamunuan ng MRT-3 para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Una na ring ibinaba ng MRT-3 sa 40 kilometers per hour (kph) mula sa dating 50 kph ang takbo ng bawat tren upang maiwasan ang anumang problema dito.

Matatandaang sunud-sunod ang aberyang naganap sa mga tren ng MRT-3.

Ang pinakamalala ay naganap noong Agosto 13 kung saan isang tren nito ang nadiskaril sa EDSA-Taft Avenue Station sa Pasay City, na ikinasugat ng may 34-katao.

Nitong Sabado naman ng tanghali ay dumanas ng communication glitch ang MRT-3 sanhi upang matigil ang operasyon nito at na­ibalik lamang sa normal nitong Linggo ng madaling- araw na.  

AGOSTO

AYON

HERNANDO CABRERA

HONG KONG

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

NITONG SABADO

PASAY CITY

TAFT AVENUE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with