^

Metro

Lolo, lunod sa Manila Bay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nalunod ang isang 67-anyos na lolo nang madulas sa Manila Bay, sa bahagi ng Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni SPO1 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 3:30 ng hapon  nang  umano’y madulas at mahulog si Antonio Boral, ng  #584-98 San Andres St., Malate, Maynila.

Lumilitaw na  nagse-selfie ang grupo ng mga es­tud­yante ng Mapua Institute of Technology (MIT) sa tabing dagat at  nakitang nakatayo lamang ang matanda sa seawall.

Nagulat umano ang mga kabataan nang lumipas ang mahigit kalahating oras ay nakita na nila itong lumu­lutang sa dagat.

Nagtangka pang isalba ng vendor na si John Mendoza ang biktima subalit wala na itong buhay nang maiahon.

Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral  Services para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ANTONIO BORAL

JOHN MENDOZA

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MAYNILA

RODELIO LINGCONG

SAN ANDRES ST.

ST. RICH FUNERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with