^

Metro

Shootout: Karnaper bulagta

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang itinuturing na notoryus na karnaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng pulisya, ilang minuto matapos holdapin at tanga­yin ang motorsiklo ng isang ahente ng Skycable sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District,  walang nakuhang pagkakakilanlan sa napatay na karnaper na may tattoo sa dibdib at likuran ng katawan, nasa edad 30-35, may taas na 5’6’’, nakaitim na jacket at green na short pants.

Pinaghahanap naman ang isa sa kasamahan ng napatay na nagawang makatakas sakay ng motorsiklo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Manolito Lausa, ng Brgy. Sta. Lucia  na inagawan ng motorsiklo at tinangayan pa ng pera ng dalawa.

Gayon pa man, naispatan at nakasagupa ng pulisya  ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo sa  kahabaan ng Mindanao Avenue malapit sa panulukan ng Quirino Highway sa Barangay Talipapa, Novaliches.

Narekober sa napatay ang cal .38 revolver at mga bala.

vuukle comment

BARANGAY TALIPAPA

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MANOLITO LAUSA

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

QUIRINO HIGHWAY

RODELIO MARCELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with