^

Metro

2 ‘Tutok kalawit’, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper, na sinasabing miyembro ng notor­yosong ‘Tutok Kalawit gang’ ang inaresto ng mga awtoridad matapos na holdapin ng mga ito ang isang empleyadong nag­lalakad sa Pasig City, kamakalawa ng gabi. Isa sa mga suspek ay nakilalang si Mike Norlan Cruz, 23,  ng Brgy. Rosario, Pasig City, habang ang kasamahan nito na 17-anyos lamang ay itinago sa pangalang Lito. Batay sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na nag-ugat ang pag-aresto sa reklamo ng biktimang si Jomel Valloso, 21, ng Cainta, Rizal.

Sa reklamo ni Valloso kay PO3 Laurence Punzalan, ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB), nabatid na naganap ang panghoholdap pasado alas-6:00 ng gabi sa Rosario Bridge sa Brgy. Rosario. Nagulat na lang umano ang biktima nang habang naglalakad ay sabayan at akbayan siya ng mga suspek sabay tutok ng patalim sa kanyang tagiliran at nagdeklara ng holdap. Tinakot umano ng mga suspek ang biktima na sasaksakin kung papalag at hindi mapapamahak kung kusang ibibigay ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P8,000, relo na nagkakahalaga ng P350 at silver necklace.

Nang papatakas na ang mga suspek ay saka lamang nagawang magsisigaw at humingi ng tulong ng biktima, na nakatawag pansin naman sa mga pulis sa barangay. Kaagad na ru­mesponde ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

vuukle comment

BRGY

JOMEL VALLOSO

LAURENCE PUNZALAN

MIKE NORLAN CRUZ

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

ROSARIO BRIDGE

STATION INVESTIGATION DETECTION MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with