Aprub sa konseho ng Maynila Pangulo ng bansa, maaari nang manumpa sa Bgy. Chairman
MANILA, Philippines - Maaari na ring manumpa ang Pangulo ng bansa, mambabatas at mahistrado ng bansa mga barangay sinumang barangay chairman sa lungsod ng Maynila.
Ito’y matapos na aprubahan ng konseho ng Maynila ang resolution noong Agosto 14 na nagpapahayag ng suporta sa Senate Bill No. 2334 ni Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino, IV na ‘An Act Authorizing Punong Barangay To Administer the Oath of Office of Any Government Official Including the President of the Republic of the Philippines, Further Amending for the Purpose Section 41 of Executive Order No. 292 otherwise known as the Administrative Code of 1987.”
Nakasaad sa Administrative Code of 1987 na maaari lamang manumpa sa Presidente, Bise Presidente, miyembro at secretaries ng dalawang sangay ng Kongreso, judiciary, Department secretaries, provincial governors, vice governors, city at municipal mayors, bureau directors, regional directors, clerks of court, registrar of deeds, mga sibilyan na appointed ng pangulo ng bansa at PAO lawyers.
Subalit batay sa inaprubahang resolution na inakda nina Manila 6th District Councilor Joel Par at Liga ng mga Barangay President, Councilor Salvador Philip Lacuna, panahon na upang kilalanin ang naitutulong ng mga barangay chairman upang makamit ng bansa ang tagumpay na magmumula sa barangay level.
Ang mga barangay chairman ang siyang nakikipag-ugnayan sa ugat ng problema sa komunidad upang mas maging kapaki-pakinabang ang kanyang nasasakupan sa ikauunlad ng bansa.
Pagkilala rin ito sa kakayahan at galing ng mga barangay chairman na ipatupad ng maayos ang mga batas sa kanilang mga nasasakupan alinsunod sa kanilang galing at husay.
Umaasa si Par na agad na maipatutupad ang resolution bilang suporta na rin sa panukala ni Aquino sa Senado.
Ipamamahagi ang resolusyon sa Office of the President, Kongreso, DILG, Mayor’s Office at National and Local Chapters ng LBP.
- Latest