‘Patrick Garcia’ inutas sa tapat ng bahay
MANILA, Philippines - Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tinamo ng isang binatilyo na kapangalan ng actor na si “Patrick Garcia” nang paslangin sa tapat ng kanyang bahay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Dead on the spot si Garcia na nagtamo ng tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo. Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang tumakas na salarin.
Sa ulat ng Malabon City Police, nakatambay sa harapan ng kanyang bahay sa may Dulong Hernandez, Brgy. Catmon, ang biktima dakong alas-5:30 ng hapon nang lapitan ng mga salarin at basta na lamang barilin ng malapitan.
Nahihirapan naman ang pulisya na makakuha ng lead sa krimen dahil sa tikom ang bibig ng mga residente.
- Latest