^

Metro

Natagpuan sa loob ng hotel: Amerikano nagbaril o binaril?

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan pa ngayon ng pulisya kung binaril o nagbaril ba sa sarili ang isang American national makaraang matagpuan itong duguan at wala nang buhay sa isang hotel sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Gordon Matthew Gale, 59, nanunuluyan sa Casa Delmar, Baloy Beach, Olongapo City na nagtamo  ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .38 revolver.

Base sa report na isinumite kahapon sa tanggapan ni  Supt. Manuel Lukban, hepe ng Makati City Police, alas-3:05 kamakalawa ng hapon nang matagpuan ang biktima sa loob ng Room 340, ng isang hotel sa EDSA Avenue, Brgy. Gua­dalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Ang biktima ay natagpuan ng nakatalagang guwardya at staff ng naturang hotel na duguan at isa nang malamig na bangkay.

Nabatid na may tama ito sa ulo at narekober ng mga pulis katabi sa hinihigaan nitong kama ang naturang kalibre ng baril na posibleng ginamit sa pagpapakamatay nito.

Bago naganap ang insidente, napag-alaman na noong Huwebes, Agosto 7 ng taong kasalukuyan, ala-1:37 ng hapon, nag-check-in na ang biktima sa naturang hotel, na posibleng galing pa ito ng Olongapo at wala naman aniya itong ka­samang babae.

Kinabukasan, Biyernes ng hapon ay tumambad sa ilang staff ng hotel ang duguan at wala nang buhay na biktima, na nakadapa pa ito sa kanyang kama.

Sa ngayon ay masusing iniimbestigahan pa ng pulisya kung nagpatiwakal ba o may foul play sa naturang insidente.

AGOSTO

BALOY BEACH

BIYERNES

CASA DELMAR

GORDON MATTHEW GALE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MANUEL LUKBAN

OLONGAPO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with