^

Metro

Trike driver inutas habang natutulog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 30-anyos na tricycle driver nang barilin ng tatlong beses sa ulo habang natutulog sa loob ng bahay ng  isang  brgy. chairman  sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ng nasawi na si Gener Castro Hermosa, driver sa tricycle na pag-aari ni Chairman Arnel Dungo ng Brgy. 255,  Zone 23, Tondo.

Arestado naman ang suspek na si Eduardo Barco Damayo, 40, residente ng Olivarez Compound, Parañaque City  na pinsan ni Chairman Dungo.

Kasama mismo si Chairman Dungo sa gi­nawang pagtugis sa kanyang pinsang suspek ng mga tauhan ng Bambang Police Community Precinct  (PCP) na pinamumunuan ni C/Insp. Efren Pangan.

Sa ulat ni SPO3 Rommel­ del Rosario ng MPD-Homicide Section, alas-10:45 ng umaga­ nang maganap ang pamamaril sa loob ng bahay ni Chairman Dungo sa naturang lugar.

Nabatid na nagba­bakasyon lamang sa bahay ni Chairman Du­ngo ang suspek at napapansin umano nito na mistulang naaasar at nag­se­selos ang kanyang pinsan sa biktima dahil madalas nitong napupuna ang asta ng biktima na diretsong pasok sa kusina sa tuwing dumarating at magbubungkal ng pagkain.

Nabatid na kama­kalawa ng gabi pa umano naglalasing ang suspek na inabot pa ng kinabukasan ang pag-inom at katunayan ay lasing umano ito nang barilin ang biktima.

BAMBANG POLICE COMMUNITY PRECINCT

CHAIRMAN ARNEL DUNGO

CHAIRMAN DU

CHAIRMAN DUNGO

EDUARDO BARCO DAMAYO

EFREN PANGAN

GENER CASTRO HERMOSA

HOMICIDE SECTION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with