‘Dagdag-bawas’ sa presyo ng petrolyo
MANILA, Philippines - Muling magpapatupad ng ‘dagdag-bawas’ sa presyo ng kanilang produktong petrolyo epektibo bukas (Lunes, Agosto 4).
Ang dagdag-bawas presyo ay pinangunahan ng Flying V at ipatutupad ito alas-12:00 ng madaling araw.
Magkakaroon nang pagbawas sa presyo ng kanilang gasolina, na ito ay nasa P0.90 kada litro habang tataas naman ng P0.40 ang kada litro ng kanilang diesel o krudo.
Ayon sa naturang oil company ang kanilang hakbangin ay bunsod aniya nang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Hindi pa nag-aabiso ang iba pang kompanya, na malamang na sumunod na rin ang mga itong magpatupad ng dagdag-bawas presyo.
Matatandaan na huling nagpatupad ng pagtapyas ng mga produktong petrolyo noong ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III Hulyo 28 ng taong kasalukuyan.
- Latest